~Character Sketch~
Siya ang aking naging pinakamatalik na kaibigan sa eskwela. Sa unang tingin ko sa kanya, inapela ako ng kanyang kumikinang na mata at doon ko nalaman na ang kayang ugali ay gaya ng kaniyang mata dahil ito ay kumikinang ng kabutihan at kagandahan, sobrang bait niya. Pero kahit hindi siya ang unang nakilala ko sa skwela, siya parin ang nagparamdam sakin na meron akong kaibigan at karamay sa tabi ko. Nagsimula ang aming pagkakaibigan noong sabay kaming kumain sa labas at nabangit namin sa isa't isa ang tungkol sa aming buhay at meron kaming maraming paghahalintulad sa isa't isa. Isa na doon ang aming mga magulang dahil ang aming mga magulang ay sobrang strikto konting mali mo lang ikaw ay pagagalitan.
Sa pagdaan ang araw, maraming tao ang umaapi sa kanya at yung nakita kong inaapi siya parang may kumirot saking puso na hindi ako mapalagay at gusto kong suntukin at sampalin ang nangapi sa kanya, ngunit pinagalitan niya ako ng umaksiyon ako ng suntok at sampal, ayaw niya kasi na nakikipagaway ako sa ibang tao dahil sa kanya pinapalaki ko lang daw ang gulo.
At ang isang personalidad niya na nagustuhan ko ay yung kahit nahihirapan na siya hindi niya ito pinapakita ngumingiti siya kahit anong mangyari, siya ang laging nagpapasaya sa akin, walang araw na hindi niya ako pinapasaya.
Ngunit isang araw hindi siya pumasok sa eskwela at akala ko ay nagkaroon lang siya ng sakit. Ngunit pagkabukas ay nung pagpasok niya sa aming silid agad agad siyang tumakbo parating sakin at yinakap niya ako at habang yinayakap niya ako umiiyak siya. Hindi pala siya umabsent dahil meron siyang sakit dahil pala sa kaniyang tatay, itinapon daw ng tatay niya ang celpon niya at itoy nasira. At hindi lang yon meron pang iba. Ng araw na yon ay nakita ko ang pagkawala ng masiyahin kong kaibigan parati na siyang umiiyak at parati siyang nagtatangkang magpakamatay. At ako bilang kaibigan niya ay nasasaktan ako dahil para ko na siyang kapatid kung siya'y nasasaktan ganun din ako.
Ngunit hindi ako tumigil na pasayahin siya at yun nga bumalik na ang kanyang sigla hindi na siya uniiyak parati na siyang naka ngiti ngunit kahit nakangiti siya ramdam ko ang lungkot at lungkot sa kaniyang puso.
Ang aking kaibigan ko ay sobrang masayahin at araw araw niya akong pinapasaya. Kaya nung siya naman ang nangangailangan ng tulong ko ako naman ang gumagawa ng paraan para kahit papano mainda niya ang sakit at puot na nararamdaman niya sa kaniyang puso. "Ang aking kaibigan ay sobrang masayahin kahit meron siyang nararamdaman na lungkot at puot sa kaniyang puso, ito ay hindi mo makikita sa kaniyang mukha dahil ito ay natatakpan ng nigit." Ganon ko ilarawan ang aking kaibigan.
By:Cristhel Mae Ongcoy
Comments
Post a Comment