"Ang Alamat ng Ilaw"

"Ang Alamat ng Ilaw"

Noong unang panahon, sa barangay ng Sta. Cruzar, merong isang babae na ang kanyang balat ay napakakutis at napakaputi, at ang kanyang puso ay napakabuti. Minsan, pinapasaya din niya ang mga taong nalulungkot. Ang pangalan niya ay Mailawa. Kilala rin siya sa pangalan na "Ang ginintuang babae". Ang kagandahang taglay niya ay nakaaakit sa maraming lalaki. Ngunit, hindi niya sila gusto. Sabi nila, na dahil sa kabutihan niya, meron siyang "gintong puso".  

Isang araw, habang naglalakad si Mailawa, may nakita siyang isang lalaki na nais niyang makilala. Ang kanyang pangalan ay Ricardo. Isang matapang na magsasaka. Nung nakilala ni Mailawa si Ricardo, agad-agad niyang inibig siya. Pagkatapos sa paglipas ng mga panahon, nagpasya si Mailawa na mag pakasal kay Ricardo, dahil mahal daw ni Mailawa si Ricardo. Ngunit kabaliktaran ang nararamdaman ni Ricardo para kay Mailawa, dahil hindi niya mahal si Mailawa. Pero alam ni Ricardo na ang "Ginintuang Puso" na mayroon si Mailawa. Kaya nagpasiya si Ricardo na pakasalan nalang si Mailawa. "Mahal kita" sabi ni Mailawa; "mahal rin kita" sabi ni Ricardo. Sinabi ni Ricardo yun kahit hindi niya talaga mahal si Milawa. 

Isang gabi, habang naglalakad si Ricardo sa kalye ng kanilang barangay, may nakita siyang isang magandang babae, at nais niyang bigyan ito ng isang espesyal na regalo para sa pagliligaw niya sa kanya. Nag-iisip siya ng isang isang perpektong regalo para sa babae. Pagkatapos, meron na siyang naisip. "Ang babae na may pusong ginto!!" Ang kanyang asawa, At ganon, umiwi siya sa kanilang bahay. Pagdating niya doon, nakikita niya si mailawa na nagtutulog. Pumunta siya sa kusina, at may nakita siyang isang kutsilyo at kinuha niya ito. 

Pagkatapos, bumalik siya sa kaniyang natutulog na asawa. Pagkatapos, nang walang pag-aalinlangan, sinaksak niya si Mailawa gamit ang kutsilyo at kinuha niya ang kaniyang puso."Ito ay magiging perpektong regalo" sabi ni Ricardo sa kanyang sarili.Pagkatapos ay hinugasan niya ang kaniyang sarili upang mawala ang mansiyang dugo sa kanyang katawan at damit.

Pagkatapos ay binalot niya ang gintuang puso para ibigay sa babae. Umalis siya sa kanilang bahay para hanapin ang babae na nais niyang makilala at maligawan. Nakita niya ang babae at agad-agad siyang tumakbo patungo sa babae.Binigay niya ang regalo sa kanya, at ang babae ay labis na natuwa sa nakita niya. "gusto ko ito! salamat!" sigaw ng babae. Ngunit, hindi nila alam sa mga kahihinatnan namagaganap sa kanila. 

Pagkatapos, napansin nila na ang kadiliman na nakapalibot sa kanila ay lumaki at lumago. Si Ricardo at ang babae ay natakot at agad-agad silang tumakbo ngmabilis hangga't sa kaya nila. Aksidenteng nahulog nila ang ginintuang puso habangtumatakbo sila. Ngunit, ang kadiliman ay patuloy na lumalaki hanggang sa ito ay isinumpa sila at naging bahagi nito. Walang sinuman ang nakakarinig sa kanila mula pa. Nang nalaman ng buong barangay ang pagkamatay ni Mailawa, lahat sila ay nahulog sa kalungkutan. Inilibing nila ang kanyang katawan, ngunit itinago nila ang kaniyang puso. 

Nung nakalipas ang mga panahon, napansin nila na ito ay kumikislap na parang liwanag na galing sa araw at lumiwanag ang kadiliman. Nagsimula rin itong bumuo ng hugis ng isang bagay na bilog. Ito ay napaka-babasagin at maliwanag. Sinabi rin nila na kapag nararamdaman nang malungkot ka at tumingin sa ito, bigla kang maging masaya. Ito ay kumakatawan sa mabuting karakter ni Mailawa.

Sa huli, tinawag ito mula sa pinaiksing pangalan ni Mailawa. Tinawag nila ito ng"Ilaw". Ang liwanag sa kadiliman.  





Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

"Ang Alamat ng Bentilador"

Character sketch in Filipino BOIIIII!!!!!