"Ang Alamat ng Bentilador"

"Ang Alamat ng Bentilador"

    Noong unang panahon may isang magandang dilag na nakatira sa Baryong Benletedor.  Siya ay si Elena, siya ay hindi nasisiyahan sa isang bentilador lang.

   Isang araw sinabi niya sa kanyang ina na magpapabili siya ng bagong bentilador at hindi lang isa kundi apat, kaya nabigla ang kanyang ina. At sabi naman ng kanyang ina "Bakit!!! nasira naba yung luma mong bentilador?" Sagot naman ni Elena "Hindi pa, pero mainit parin eh." Sabi naman ng kanyang ina "Magdahan dahan ka baka pumunta dito si Diwatang Dortidor (siya ang Diwatang sumusumpa sa mga mapang-abuso at ginagawang bentilador.) Sagot naman ni Elena "Eh!, hindi naman yan totoo sabi sabi lang yan."

Pagkatapos nung nabili na ng kanyang ina ang mga bentilador, dali daling kinabit ni Elena ang mg bentilador sa kanyang kuwarto. Kaya ngayon meron na siyang limang bentilador at yun nga hindi na naiinitan si Elena.

Pagkatapos, ng araw na yun si Elena ay hindi parin makapaniwala na meron na siyang limang bentilador. At yung gabi na yun, Si Elena ay natutulog pero nagising siya ng may naramdaman siyang malamig na malamig na hangin. At nagulat siya ng makita niya ang isang nilalang na napakamaliwanag, nang malapitang lumapit si Elena sa nilalang na iyon nabigla siya sa kagandahang taglay ng nilalang.  Nagsalita ang nilalang at tinanong si Elena "Hindi mo ba ako nakikilala?" Nagulat si Elena at sagot niya "Wag mong sabihin ikaw ang sinasabi nilang Diwatang Dortidor!.." Sagot ng nilalang "Buti naman at nalaman mo na rin OO nga ako si Diwatang Dortidor. Nagulat si Elena!!! kaya tanong niya sa Diwata "Bakit ka nandito wag mong sabihin na nandito ka para isumpa ako?!" Sagot naman ng Diwata "OO tama ka!!!!!! Buti naman alam mo." Nagmamakaawa si Elena na wag na siyang i sumpa at nangako siya na magbabago siya , ngunit hindi pumayag ang Diwata. Dahil huli naraw si Elena.

Pagkatapos ng gabi na iyon, hinanap ng ina ni Elena si Elena pero hindi na niya ito nakita. Inikitot at hinaluglug niya ang buong bahay ngunit nabigo siyang makita si Elena. Kaya nagduda ang ina ni Elena kung si Elena nga ba ang nakita niyang kakaibang bentilador na nasa kama ni Elena. Hindi makapaniwala ang ina ni Elena na isinumpa ni Diwatang Doritor ang kanyang anak na si Elena.

Sa Huli sabi ng mga matatanda kapag nakita nila yung kakaibang bentilador ay dapat silang maging kontento sa buhay at wag mang abuso.

Comments

Popular posts from this blog

"Ang Alamat ng Ilaw"

~Character Sketch~