Posts

Showing posts from January, 2019

"Ang Alamat ng Bentilador"

Image
"Ang Alamat ng Bentilador"       Noong unang panahon may isang magandang dilag na nakatira sa Baryong Benletedor.  Siya ay si Elena, siya ay hindi nasisiyahan sa isang bentilador lang.    Isang araw  sinabi niya sa kanyang ina na magpapabili siya ng bagong bentilador at hindi lang isa kundi apat, kaya nabigla ang kanyang ina. At sabi naman ng kanyang ina "Bakit!!! nasira naba yung luma mong bentilador?" Sagot naman ni Elena "Hindi pa, pero mainit parin eh." Sabi naman ng kanyang ina "Magdahan dahan ka baka pumunta dito si Diwatang Dortidor (siya ang Diwatang sumusumpa sa mga mapang-abuso at ginagawang bentilador.) Sagot naman ni Elena "Eh!, hindi naman yan totoo sabi sabi lang yan." Pagkatapos  nung nabili na ng kanyang ina ang mga bentilador, dali daling kinabit ni Elena ang mg bentilador sa kanyang kuwarto. Kaya ngayon meron na siyang limang bentilador at yun nga hindi na naiinitan si Elena. Pagkatapos, ng araw na yun si Elena

"Ang Alamat ng Ilaw"

Image
"Ang Alamat ng Ilaw" Noong unang panahon , sa barangay ng Sta. Cruzar, merong isang babae na ang kanyang balat ay napakakutis at napakaputi, at ang kanyang puso ay napakabuti. Minsan, pinapasaya din niya ang mga taong nalulungkot. Ang pangalan niya ay Mailawa. Kilala rin siya sa pangalan na "Ang ginintuang babae". Ang kagandahang taglay niya ay nakaaakit sa maraming lalaki. Ngunit, hindi niya sila gusto. Sabi nila, na dahil sa kabutihan niya, meron siyang "gintong puso".   Isang araw , habang naglalakad si Mailawa, may nakita siyang isang lalaki na nais niyang makilala. Ang kanyang pangalan ay Ricardo. Isang matapang na magsasaka. Nung nakilala ni Mailawa si Ricardo, agad-agad niyang inibig siya. Pagkatapos sa paglipas ng mga panahon, nagpasya si Mailawa na mag pakasal kay Ricardo, dahil mahal daw ni Mailawa si Ricardo. Ngunit kabaliktaran ang nararamdaman ni Ricardo para kay Mailawa, dahil hindi niya mahal si Mailawa. Pero alam ni Ri