~Character Sketch~
Siya ang aking naging pinakamatalik na kaibigan sa eskwela. Sa unang tingin ko sa kanya, inapela ako ng kanyang kumikinang na mata at doon ko nalaman na ang kayang ugali ay gaya ng kaniyang mata dahil ito ay kumikinang ng kabutihan at kagandahan, sobrang bait niya. Pero kahit hindi siya ang unang nakilala ko sa skwela, siya parin ang nagparamdam sakin na meron akong kaibigan at karamay sa tabi ko. Nagsimula ang aming pagkakaibigan noong sabay kaming kumain sa labas at nabangit namin sa isa't isa ang tungkol sa aming buhay at meron kaming maraming paghahalintulad sa isa't isa. Isa na doon ang aming mga magulang dahil ang aming mga magulang ay sobrang strikto konting mali mo lang ikaw ay pagagalitan. Sa pagdaan ang araw, maraming tao ang umaapi sa kanya at yung nakita kong inaapi siya parang may kumirot saking puso na hindi ako mapalagay at gusto kong suntukin at sampalin ang nangapi sa kanya, ngunit pinagalitan niya ako ng umaksiyon ako ng suntok at sampal, ayaw niya kasi na